Keanu Reeves inirampa sa red carpet ang bagong girlfriend

By Jimmy Tamayo November 06, 2019 - 08:10 AM

Usap-usapan ngayon ang umano’y bagong karelasyon ng Hollywood actor na si Keanu Reeves.

Nakitang magkasama sina Reeves at ang LA based artist na si Alexandra Grant.

Magkasama sina Reeves at Grant sa taunang Art+Film gala na ginanap sa Los Angeles County Museum of Art (LACMA) kung saan makikitang magkahawak kamay ang dalawa nang rumampa sa red carpet.

Bagamat walang kumpirmasyon sa kanilang relasyon may ulat na hindi lang “friendship” ang namumuo sa dalawa na naging magkakilala noon pang 2011.

Si Grant, 46 anyos na artist ay nakilala ni Reeves nang mag-collaborate ang dalawa sa isang libro na inakda ng “John Wick” actor noong 2011 na “Ode to Happiness.” Si Grant ang naging illustrator ng libro.

Nasundan ito noong 2016 sa bagong libro na “Shadows,” at naging business partner sa isang publishing company na X Artists’ Books.

Si Grant ay kilala rin bilang isang philanthropist na nagbuo ng “grantLOVE project para tumulong sa grupo ng mga artists.

TAGS: Alexandra Grant, Hollywood actor, Keanu Reeves, Los Angeles County Museum of Art, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alexandra Grant, Hollywood actor, Keanu Reeves, Los Angeles County Museum of Art, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.