Kaanak ng mga nasawi sa aksidente sa Apayao tumanggap ng tulong-pinansyal

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2019 - 07:54 AM

Tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa provincial government ng Cagayan ang pamilya ng mga nasawi sa aksidente sa Apayao.

Personal na binisita ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang mga pamilya ng mga biktima ng aksidente na pawang residente ng Rizal, Cagayan.

Bawat pamilya ay tumanggap ng P10,000 na tulong-pinansyal at isang kabang bigas.

Kasabay nito, ipinaabot ni Mamba ang pakikidalamhati sa mga pamilya ng mga biktima.

Aabot sa 19 ang nasawi sa naturang aksidente.

Tumanggap din ng P10,000 ang 24 na nasugatan sa aksidente na pawang nagpapagaling pa.

 

TAGS: accident, Apayao, Cagayan Governor Manuel Mamba, Cagayan Provincial Government, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, Apayao, Cagayan Governor Manuel Mamba, Cagayan Provincial Government, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.