Quiapo Church at Caritas Manila nagpadala ng P1M para sa Mindanao quake victims
Nakapag-abot na ng P1 milyon sa Diocese of Kidapawan ang Caritas Manila at Quiapo Church para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Sa panayam sa church-run station, Radyo Veritas, sinabi ni Caritas Manila Damayan priest-in-charge Rev. Fr. Ric Valencia na una na silang nakapag-abot ng P200,000 at dinagdagan pa ng P300,000.
Naglaan din anya ng P500,000 ang Quiapo Church.
Gayunman, patuloy na umapela si Valencia ng donasyon para makalikom ng karagdagang pondo dahil hindi sapat ang inisyal nilang naibigay para sa mga biktima ng lindol.
Marami pa anya ang pababa pa lamang mula sa mga kabundukan at dagsa rin ang mga tao sa evacuation centers.
Patuloy umano ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng Archdiocese of Manila, Quiapo Church at Caritas Manila para maibigay ang pangangailangan ng mga residente ng Diocese of Kidapawan, ang pinakaapektadong diyosesis sa Mindanao.
Ayon sa assessment ng diyosesis, ito ang pangunahing pangangailangan ng earthquake victims:
1. Shelters sheets (tarpaulin, bamboo poles, ropes, nails, etc.)
2. Food (hot meals, fresh, ready-to-eat)
3. Clean, potable water
4. Latrines or portalets
5. Cooking wares and utensils
6. Blankets, mosquito nets
7. Flashlights, rechargeable batteries, and emergency lamps
8. Toothbrush, toothpaste, bath and detergent soap, shampoo, sanitary pads, disposable diapers
9. Medical kits including basic medicines
10. Daily source of income while in evacuation centers
Ang mga donasyon ay maaaring dalhin sa opisina ng Caritas Manila sa 2002, Jesus St., Pandacan, Maynila.
Maaari ring magdeposit sa bank accounts ng Caritas na makikita sa kanilang Facebook page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.