M3.5 at 3.6 na aftershocks naitala sa Cotabato

Dalawang magkahiwalay na aftershock ang naitala sa lalawigan ng Cotabato Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, alas-3:49 kanina nang tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa layong 18 kilometro Timog-Silangan ng Tulunan.

May lalim ang pagyanig na 21 kilometro.

Ilang minuto lang ang lumipas o alas-3:58, tumama naman ang magnitude 3.6 na pagyanig sa layong 11 kilometro Timog-Kanluran ng Makilala.

May lalim naman itong 25 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig na hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala sa ari-arian.

 

 

 

Read more...