Lalaki arestado sa panghihipo sa estudyante sa Maynila

By Len Montaño November 06, 2019 - 04:51 AM

Malamig na rehas na ng kulungan ang hinihimas ngayon ng isang lalaki matapos itong ireklamo ng panghihipo ng isang estudyante sa Maynila.

Arestado ang 19 anyos na suspect matapos itong ireklamo ng isang babaeng estudyante.

Kwento ng biktima, naglalakad siya sa Lerma underpass nang makasalubong niya ang lalaki.

Bigla umanong nanghipo ang suspect na kumaripas ng takbo kalaunan.

Nagsumbong ang estudyante sa barangay na nagsabing marami nang nabiktima ang lalaki.

Nahuli naman ang suspect na nagsabing trip lamang niya ang manghipo.

 

TAGS: estudyante, hipo, lalaki, Lerma, manila, trip, underpass, estudyante, hipo, lalaki, Lerma, manila, trip, underpass

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.