Sa press briefing araw ng Martes, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na mula October 28 hanggang November 3 ngayong taon mas mababa ang bilang ng naitalang krimen.
Pero nanatili umanong mataas ang bilang ng insidente ng pagnanakaw at physical injury.
Ayon kay Sinas, mula sa 62 noong nakaraang taon, umakyat sa 78 ang bilang ng theft cases.
Ang murder naman ngayong Undas 2019 ay umakyat sa pitong kaso, mula sa apat noong nakaraang taon.
Sa mismong mga araw naman ng paggunita ng Undas, sinabi ni Sinas na ‘drastic’ o malaki ang naging pagbaba sa bilang ng krimen o nasa 30 percent.
Ayon kay Sinas, noong October 31, 23 lang ang naitalang crime incident kumpara sa 39 noong nakaraang taon.
Noong November 1 naman, 20 lang ang naitalang crime incident mula sa 25 noong 2018.
Noong November 2, 12 lang ang naitalang crime incident mula sa 22 noong nakaraang taon.
Samantala, sa kabila ng paulit-ulit na paalala, marami pa rin ang nakuhang prohibited items sa mga sementeryo.
Bladed weapons – 174
Alcoholic drinks – 68
Sets of cards – 21
Karaoke sent – 1
Lighters and matches – 1,653
Flammable items – 6,734
Sinabi naman ni Sinas na naging mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita sa Undas 2019.