LOOK: Kauna-unahang Jollibee ‘Level-Up Joy Store’ sa bansa

Jollibee photo

Pinasinayaan sa Katipunan Avenue sa Quezon City araw ng Martes ang kauna-unahanag ‘Level Up Joy Store’ ng Jollibee, numero unong fast-food chain sa bansa.

Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang mga opisyal ng Jollibee ang nagbukas sa kanilang renovated branch.

Tampok sa ‘Level Up Joy Store’ ang self-order kiosks, wireless charging stations at disensyo mismo ng branch na ‘Instagrammable’.

Una nang inilunsad ng fast-food chain ang self-order kiosks sa kanilang branches noong 2018.

Sa ngayon ay available na ito sa 25 branches sa buong bansa.

Samantala, kayang mag-accommodate ng ‘Level Up Joy Store’ sa Katipunan ng 404 persons.

Mayroon din itong dalawang party areas at multi-level parking space.

Ang kalaban namang McDonalds ay may bersyon din ng self-order kiosks sa kanilang mga ‘NXTGEN’ stores.

Target ng McDonalds na makabuo ng higit 100 ng ‘NXTGEN’ stores bago matapos ang 2019.

 

Read more...