Higit P3M halaga ng shabu nasamsam sa buy bust sa Muntinlupa

Nasamsam ang mahigit P3 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Barangay Tunasan, Muntinlupa Miyerkules ng madaling araw.

Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang suspects na sina alyas Judith at tiyahin nitong si alyas Victoria.

Isinagawa ang operasyon sa bahay ng mga suspects sa Fabella Homes kung saan nakuha ang 500 gramo ng shabu.

Ayon sa PDEA, si Judith ay asawa ng isang drug convict na nakakulong sa Bilibid.

Nag-ooperate ang mga suspects sa timog bahagi ng Metro Manila at umaabot hanggang Laguna.

Inaalam na rin ng otoridad kung kabilang ang dalawa sa African drug syndicate.

 

Read more...