27 patay sa pag-atake ng Islamic group sa Burkina Faso

By Den Macaranas January 16, 2016 - 10:08 AM

Burkina-Faso
AP photo

(Update) Dalawampu’t pito katao ang patay kabilang na ang tatlong jihadists samantalang maraming iba pa ang sugatan ng salakayin ng mga armadong kalalakihan ang isang hotel sa Burkina Faso sa West Africa.

Inabot din ng halos ay kalahating araw ang mga otoridad sa pagsuyod sa kabuuan ng Splendid Hotel kung saan ay napalaya ang mga bihag na umabot sa 166.

Kaagad na inako ng grupong al-Qaeda in the Islamic Maghreb ang pag-atake na nag-sabing magpapatuloy ang kanilang patay sa mga westniers sa lugar.

Sinabi ng ilang mga nakasaksi na kaagad na pinagbabaril ng mga suspects ang mga tao habang sila’y papasok sa Splendid Hotel kung saan ay hinostage pa ang ilang bihag.

Sinunog din ng mga suspect ang mga sasakyan sa paligid ng hotel bago sila tumakas.

Ang nasabing hotel ay madalas gamitin bilang sentro ng Operation Barkhane na binubuo ng ibat-ibang mga bansa na nasa likod ng pagtugis sa Islamic group sa West Africa.

Ang Burkina Faso ay dating teritoryo ng France bago ang kanilang independence noong 1958.

Magugunitang noong Novermber 2015 ay nilusob din ng Islamic Group ang bansang Mali kung saan ay dalawampung mga turista ang kanilang pinatay.

TAGS: Burkina Faso, ISIS, West Africa, Burkina Faso, ISIS, West Africa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.