Tambalang Sarah G.-Daniel P. tuloy na?

By Rhommel Balasbas November 06, 2019 - 02:54 AM

Star Cinema photos

Mas lalong umugong ang posibilidad ng tambalang Sarah Geronimo at Daniel Padilla sa 2020.

Ito ay makaraang bumisita si Geronimo sa opisina ng Star Cinema araw ng Lunes.

Ibinahagi mismo ng film outfit ang larawan ng pagbisita ng Popstar Royalty.

Nagbigay pahiwatig ito ng posibilidad ng bagong film project ng singer-actress sa ilalim ng ABS-CBN Films.

Huling gumawa ng pelikula si Geronimo para sa Star Cinema halos tatlong taon na ang nakalilipas kung saan katambal niya si Piolo Pascual para sa ‘The Breakup Playlist’.

Sa comment section ng post ng Star Cinema sa pagbisita ni Geronimo, marami ang nagtatanong kung tuloy na ba ang tambalang Sarah at Daniel.

Ito ay dahil noong nakaraang linggo ay bumisita rin ang tinaguraing ‘Teen King’ sa Star Cinema.

Una nang sinabi ni Geronimo sa press briefing noong Oktubre para sa kanyang dog movie na ‘Unforgettable’ na bukas siya sa isang proyekto kasama si Padilla.

Kondisyon ng singer-actress, dapat ay perfect ang material para hindi maging pilit ang kanilang tambalan.

Patuloy namang ipinapalabas sa mga sinehan sa buong bansa ang Unforgettable.

 

TAGS: #Unforgettable, ABS-CBN Films, Daniel Padilla, film project, Popstar Royalty, Sarah Geronimo, Star Cinema, tambalan, Teen King, The Breakup Playlist, #Unforgettable, ABS-CBN Films, Daniel Padilla, film project, Popstar Royalty, Sarah Geronimo, Star Cinema, tambalan, Teen King, The Breakup Playlist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.