Higit P2.7M halaga ng shabu nakumpiska sa makasintahan sa Cebu City

PDEA-7 photo

Arestado ang magkasintahan matapos makuhanan ng mahigit P2.7 milyong halaga ng shabu sa Cebu City.

Sa operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Visayas (PDEA-7) sa Sitio Cogon, Barangau Labangon Martes ng gabi, naaresto sina Edilyn Cabarse, 34 anyos at ang kasintahan nitong si Jona Gonzales, 41 anyos.

PDEA-7 photo

Kakalaya lamang ni Cabarse matapos itong makulong sa hiwalay na kaso na may kaugnayan din sa droga.

Nakuha sa dalawa ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.72 milyon.

Itinuturing ng pulisya na high value target si Cabarse na nakakapag-benta ng isang kilo ng droga kada linggo.

Itinanggi naman ng suspect ang alegasyon at sinabi nitong inutusan lamang siya na mag-deliver ng package sa isang alyas Edoy.

 

Read more...