100 city bus drivers nakaambang parusahan dahil sa traffic violations

By Rhommel Balasbas November 06, 2019 - 02:19 AM

Consuelo Marquez / INQUIRER.net

Malungkot na Pasko ang sasalubong sa 100 city bus drivers matapos magdesisyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na papanagutin ang mga ito dahil sa sangkaterbang traffic violations.

Sa pulong balitaan sa Makati araw ng Martes, ibinigay ng MMDA sa Land Transportation Office (LTO) ang listahan ng 100 public drivers na may higit 100 traffic violations.

Tatanggalan o sususpendihin ang lisensya ng 100 bus drivers bago mag-Pasko.

Inisyal pa lang ito sa 1,000 bus drivers na may sandamakmak na paglabag ngunit nakakapagmaneho pa rin.

Sa katunayan, isang bus driver ang may 533 violation simula 2006 bukod pa sa 24 na paglabag nito ngayong taon.

Pinahalukay ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang database ng LTO mula 2005 at inutusang parusahan ang mga pasaway na bus drivers.

“So what we did, pinakuha ko sa database lahat ng may huli ng 2019 kasi 2018 down wala na, so kumbaga, tapos na, hindi na gagamitin,” ani Garcia.

Ayon kay Garcia, may kakulangan sa koordinasyon at computerized connectivity ng mga ahensya kaya’t nakakapag-renew pa rin ng lisensya ang ilang mga drayber na mayroong mga paglabag.

Ayon kay Garcia, walang karapatang magkalisensya ang mga drayber na may multiple violations.

Karamihan sa mga paglabag ay hindi pagsunod sa traffic signs, hindi pagsunod sa loading at unloading areas at paglampas sa yellow lane policy.

Samantala, nangako ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na huhulihin ang mga drayber na nasa listahan ng LTO.

Samantala ang crackdown ay hindi lang para sa bus drivers kundi sakop din ang mga jeepney drivers at motorista.

Lahat ng lisensyang may huli na higit tatlong beses ay pinapareview na ni Garcia ang record.

 

TAGS: 100 bus drivers, computerized connectivity, jeepney driver, lisensya, loading area, lto, mmda, MMDA General Manager Jojo Garcia, motorista, multiple violations, PNP-HGP, traffic signs, traffic violation, unloading area, yellow lane policy, 100 bus drivers, computerized connectivity, jeepney driver, lisensya, loading area, lto, mmda, MMDA General Manager Jojo Garcia, motorista, multiple violations, PNP-HGP, traffic signs, traffic violation, unloading area, yellow lane policy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.