LOOK: Bagong bihis na Lawton Underpass ipinakita ni Mayor Isko

By Rhommel Balasbas November 06, 2019 - 01:28 AM

Mayor Isko Moreno photo

Ibinahagi sa Facebook ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang isa na namang pagbabago sa lungsod ng Maynila.

Sa post Martes ng gabi, ipinakita ng alkalde ang bagong bihis na Lawton Underpass sa tapat ng Mehan Gardens.

Ang dating underpass na marumi at puno ng bandalismo ay kapansin-pansin na ang kalinisan at pagiging maaliwalas.

Inumpisahan na rin ang paglalagay ng paintings sa nasabing underpass.

Lubos ang pasasalamat si Moreno sa isang kumpanya ng pintura at sa city engineer at mga empleyado nito.

Marami ang natuwa sa post ni Moreno na ngayon ay nakakuha na ng higit 61,000 likes at higit 4,000 komento.

TAGS: bagong bihis, facebook, Lawton underpass, malinis, Mayor Isko Moreno, post, bagong bihis, facebook, Lawton underpass, malinis, Mayor Isko Moreno, post

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.