Hamon ito ng senador sa pangalawang pangulo matapos ilabas ng Malakanyang ang official appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon sa senador, kapag si Robredo na ang drug czar ay malalaman nito ang hirap ng pangulo sa kampanya laban sa droga.
“Makikita mo gaano kahirap…ganito gawin mo, patayin mo lahat ng mga drug lords. Subukan mong patayin,” ani Go.
Sa gitna ng batikos ng bise presidente sa kampanya ng administrasyon laban sa droga, sinabi ni Go na baka kapag si Robredo ang mamuno ay marami ang pumabor.
Binanggit ng senador ang Social Weather Stations (SWS) survey na nagpakitang 82 percent ng mga Pilipino ang kuntento sa drug war ng administrasyon.
Pero kapag hindi umano nagtagumpay si Robredo ay tatanungun ito ng senador kung bakit hindi nito pinatay ang drug lords.
“Pagdating ng July 1 at hindi ka nag-succeed at hindi mo napatay yung mga drug lords, ako naman magtatanong sayo: Ma’am, ba’t hindi niyo pinatay yung mga drug lords?”