Ayon sa DILG, hindi magandang ehemplo si Nieto sa publiko.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na walang “special status” ang sinumang halal na opisyal.
Wala anyang “exemption” ang alkalde sa pagsunod sa batas.
“…election to public office does not grant individuals any special status. Therefore, being a mayor or barangay chairman, etc. does not exempt one from the coverage of our laws,” ani Malaya.
Humingi na ng paumanhin si Nieto sa kanyang ginawa pero iginiit ng ahensya na kailangang maging magandang ehemplo ang mga lokal na opisyal sa lahat ng panahon.
Dagdag ni Malaya, paanong maobliga ang ordinaryong mamamayan na sumunod sa batas kung ipinangangalandakan ng lokal na opisyal ang paglabag.
“How can we expect ordinary citizens to follow the law if they see their local officials flaunting or defying it and when called out, defend their right not to follow on the ground that he has signed a waiver? Ang Mayor ang kailangang manguna sa pagsunod sa batas, hindi sa paglabag nito. Resorting to legal technicalities will not change the facts,” dagdag nito.
Pinaalalahanan ng DILG ang mga lokal na opisyal ukol sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat umaktong espesyal ang opisyal ng gobyerno dahil nagseserbisyo sila sa publiko.
Sa kanyang public apology ay sinabi ni Nieto na walang katwiran sa kanyang ginawa at nakahanda siya sa anumang magiging aksyon laban sa kanya.
Sa kanyang Facebook post ay ipinakita naman ng alkalde ang pagtubos nito sa kanyang lisensya matapos ang paglabag sa hindi pagsusuout ng helmet.