Yellow rainfall warning nakataas sa Zambales at Bataan

Nakataas ang heavy rainfall warning sa Zambales at Bataan dahil sa patuloy na nararanasang mga pag-ulan bunsod ng Tropical Storm Quiel.

Sa abiso ng PAGASA alas-11 Martes ng gabi, yellow warning ang umiiral sa dalawang lalawigan.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng mga pagbaha sa mga flood-prone areas.

Samantala, nakararanas na ng katamtaman hanggang paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang mga bayan ng San Clemente, Camiling, Mayantoc at San Jose sa Tarlac.

Posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras ang pag-ulan sa naturang mga lugar.

Pinapayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na bantayan ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na advisory na ilalabas alas-2:00 ng madaling-araw ng Huwebes.

 

Read more...