Hukom patay sa ambush sa La Union

Nasawi si Judge Mario Anacleto Bañez matapos itong tambangan sa La Union Martes ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Lorma Hospital sa San Fernando si Bañez na Judge ng regional trial court (RTC) Branch 25 sa Tagudin, Ilocos Sur.

Sakay ng kanyang sasakyan ang 54 anyos na hukom at pauwi na ito nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspect sa Barangay Mameltac.

Tinutugis ng pulisya ang gunman na agad tumakas matapos ang ambush.

Iniimbestigahan ang pagka-kilanlan ng salarin at ang posibleng motibo sa krimen.

Si Bañez ay ika-limang judge na pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

 

Read more...