Ayon sa mga petitioners na sina Bishop Reuben Abante, Atty. Eduardo Bringas, Atty. Amor Perdigon at Moses Rivera, kapag wala sa mga pangalan ng kandidato ang nais ng botante na iboto ay maaring piliin ang NOTA.
Pero kapag sa mga posisyon naman kung saan higit sa isa ang iboboto tulad ng senador, Sangguniang Pang-Lalawigan, Sangguniang Pang-Lungsod o Sangguniang Bayan, dapat ang pagpipilian ay TAO, na ilalagay kapag hindi kumpleto ang bilang ng dapat na iboboto.
Sinabi pa ng mga petitioners na sa ganitong paraan ay maiiwasan ang dayaan at mabibigyan ng pagkakataon ang mga botante na mag-abstain o i-waive ang kanilang karapatan na bumoto sakaling wala talaga sa mga pagpipilian ang kanilang nais maluklok sa mga posisyon sa gobyerno.
Sakaling manalo ang NOTA sa pagka-pangulo awtomatikong ang nanalong Vice President ang ihahalal na pangulo at kapag parehong NOTA ang panalo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ang senate president o house speaker ang ilu-luklokk na presidente at bise president, hanggang sa magkaroon na ng mapipiling karapat-dapat na lider ng bansa.