‘None of the Above’ at ‘The Above Only’, isinusulong na ilagay sa balota

By Chona Yu, Kathleen Betina Aenlle January 16, 2016 - 04:05 AM

teachers-election-precintsNaghain ng petisyon for mandamus ang isang grupo sa Supreme Court para hilingin na utusan ang Commission on Elections (COMELEC) na isama sa balota ang mga katagang ‘NOTA’ o ‘None of the Above’ at ‘TAO’ o ‘The Above Only’.

Ayon sa mga petitioners na sina Bishop Reuben Abante, Atty. Eduardo Bringas, Atty. Amor Perdigon at Moses Rivera, kapag wala sa mga pangalan ng kandidato ang nais ng botante na iboto ay maaring piliin ang NOTA.

Pero kapag sa mga posisyon naman kung saan higit sa isa ang iboboto tulad ng senador, Sangguniang Pang-Lalawigan, Sangguniang Pang-Lungsod o Sangguniang Bayan, dapat ang pagpipilian ay TAO, na ilalagay kapag hindi kumpleto ang bilang ng dapat na iboboto.

Sinabi pa ng mga petitioners na sa ganitong paraan ay maiiwasan ang dayaan at mabibigyan ng pagkakataon ang mga botante na mag-abstain o i-waive ang kanilang karapatan na bumoto sakaling wala talaga sa mga pagpipilian ang kanilang nais maluklok sa mga posisyon sa gobyerno.

Sakaling manalo ang NOTA sa pagka-pangulo awtomatikong ang nanalong Vice President ang ihahalal na pangulo at kapag parehong NOTA ang panalo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ang senate president o house speaker ang ilu-luklokk na presidente at bise president, hanggang sa magkaroon na ng mapipiling karapat-dapat na lider ng bansa.

TAGS: comelec, nota and tao in ballots, comelec, nota and tao in ballots

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.