Obstruction, nangungunang traffic violation ng mga bus sa Metro Manila – MMDA

By Angellic Jordan November 05, 2019 - 08:20 PM

Nangungung traffic violation ang obstruction sa mga bus sa Metro Manila sa 2019, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa datos ng MMDA, nakapagtala ng 4,826 na insidente ng obstruction mula January 1 hanggang October 31.

Pumangalawa naman ang paglabag sa yellow lane na may 3,741 na insidente.

Umabot naman sa 2,301 ang disregarding traffic sign violations habang 1,369 naman ang loading and unloading violations.

Narito naman ang naitalang insidente ng iba pang paglabag:
– Open door (1,115)
– Bypassing terminal (784)
– Stalled (511)
– Reckless (171)
– OBR o excess of time limit (144)
– Bus augmentation scheme (120)

Kasunod nito, sinabi ni Roberto Valera, deputy director ng Law Enforcement Service ng Land Transportation Office (LTO), na makikipag-ugnayan sila sa MMDA para maisama sa proseso ng suspensyon ng lisensya ng mga lumabag na drayber ng bus.

TAGS: disregarding traffic sign, loading and unloading, Metro Manila, mmda, obstruction, yellow lane, disregarding traffic sign, loading and unloading, Metro Manila, mmda, obstruction, yellow lane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.