Hindi pagsusuot ng damit pang-itaas, bawal na sa Pasay City

By Angellic Jordan November 05, 2019 - 07:13 PM

Ipinabawal na ng Pasay City government ang hindi pagsusuot ng damit pang-itaas sa mga pampublikong lugar.

Inilabas ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang City Ordinance no. 6004 na nagbabawal sa mga residente na lumabas ng kanilang bahay na ‘half-naked’ sa lungsod.

Paliwanag ng alkalde, bahagi ito ng hakbang para ayusin ang imahe ng lungsod sa pamamagitan ng pagpapairal ng disiplina, kalinisan at kaayusan.

Ang hindi pagsusuot ng damit pang-itaas sa mga pampublikong lugar ay pag-aasta aniyang siga.

Kasunod nito, ipinag-utos na sa Pasay Police na tutukan at i-record ang mga indibidwal na lalabag sa ordinansa.

Sinumang mahuling lumabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P2,000 o 12-oras na community service sa first offense, P3,000 o 18-oras na community service sa second offense habang P4,000 o 24-oras na community service sa ikatlong paglabag.

TAGS: City Ordinance no. 6004, half naked, Mayor Emi Calixto-Rubiano, Pasay City, City Ordinance no. 6004, half naked, Mayor Emi Calixto-Rubiano, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.