Magnitude 3.6 na lindol, tumama sa Davao del Sur; Intensity 3, naitala sa Kidapawan City
By Angellic Jordan November 05, 2019 - 05:57 PM
Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Davao del Sur, Martes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang lindol sa 13 kilometers Southwest ng Magsaysay bandang 5:18 ng hapon.
May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 3 sa Kidapawan City.
Naitala naman ang instrumental intensity 2 sa mga sumusunod na lugar:
– Kidapawan City
– Malungon, Sarangani
– Koronadal City
– Tupi, South Cotabato
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.