Halos 300 Chinese, ipina-deport ng BI

By Angellic Jordan November 05, 2019 - 04:38 PM

Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang halos 300 Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nasa kabuuang 294 na Chinese ang napa-deport ng ahensya.

Ang nasabing bilang ay bahagi aniya ng naarestong 329 na dayuhan sa walong hotel at establisimiyento sa Palawan ng BI Intelligence agents katuwang ang Armed Forces of the Philippines Western Command (WESCOM) noong September 26.

Paliwanag ni Fortunato Manahan, hepe ng BI Intelligence Division, hinuli ang mga dayuhan dahil sa paglabag sa ilegal na pagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang permit at visa.

Pito aniya sa mga nahuli ay menor de edad pa.

Ani Manahan, dinala ang mga menor de edad sa Chinese Embassy at pinabalik sa China.

Undocumented alien din aniya ang mga ito dahil kinansela na ng gobyerno ng China ang kani-kanilang pasaporte.

Muli namang nagbabala si Morente sa mga dayuhan na ilegal na nananatili sa bansa.

TAGS: chinese national, Fortunato Manahan, Jaime Morente, undocumented alien, work permit, chinese national, Fortunato Manahan, Jaime Morente, undocumented alien, work permit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.