LOOK: Moira Dela Torre, nagsilbi bilang barista sa kaarawan para makapagpadala ng tulong sa Mindanao

By Angellic Jordan November 05, 2019 - 04:35 PM

PHOTO GRAB FROM @moirarachelle/INSTAGRAM

Nagsilbi bilang barista ang singer na si Moira Dela Torre sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, araw ng Lunes (November 4).

Sa Instagram, ibinahagi ni Moira ang larawan kung saan nakasama niya ang ilang barista sa isang tea shop sa Makati City.

Ayon sa singer, ginawa niya ito para makatulong sa mga apektado ng malalakas na lindol sa Mindanao.

Kasabay ng kaniyang kaarwan, humingi ng tulong si Moira sa kaniyang mga tagahanga sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang halaga sa kahon na ipadadala sa rehiyon.

Ito aniya ang pinakamagandang regalo na maibibigay sa kaniyang kaarawan.

TAGS: barista, Mindanao Quake, Moira Dela Torre, barista, Mindanao Quake, Moira Dela Torre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.