Search & rescue ops sa Cotabato, sinuspinde dahil sa landslide – NDRRMC

Pansamantalang inihinto ang search and rescue operations sa nawawalang dalawang katao sa Makilala, Cotabato araw ng Martes.

Sa press briefing, sinabi kay Ricardo Jalad, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinuspinde ang operasyon dahil sa panganib ng landslide sa mga rescuer.

Nilinaw din ng ahensya na hindi 21 kundi 22 ang bilang ng nasawi sa Mindanao matapos tumama ang malalakas na lindol.

Napag-alaman aniya na iisang tao lamang ang nakalagay na dalawang pangalan sa listahan.

Samantala, nasa 421 naman ang bilang ng mga nasugatan sa mga pagyanig.

Read more...