Opisina ng grupong BAYAN sinalakay ng NCRPO; mga baril at pampasabog nakumpiska

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 12:42 PM

Sinalakay ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tanggapan ng frupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN sa Maynila.

Ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, acting director ng NCRPO, tatlo ang naaresto sa nasabing pagsalakay na kinilalang sina Carlo Bautista, Alma Moran, at Reina Mae Nasino.

Ito ay makaraan silang makuhanan ng mga baril at pampasabog sa opisina ng BAYAN sa Flora kanto ng Clemente Streets sa Barangay 183 Tondo, Maynila.

Bitbit ang search warrants ay ikinasa ang pagsalakay ala 1:15 ng madaling araw ng Martes, Nov. 5.

May mga nakuhang armas, mga bala, at granada, ilang gadgets, driver’s license na nakapangalan sa isang Felix Robin, at Bureau of Internal Revenue ID na nakapangalan sa isang Carlo Mar Benitez.

Ang tatlong dinakip ay dinala sa Criminal Investigation and Detection Group office.

TAGS: BAYAN, bayan office, NCRPO, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo Manila, BAYAN, bayan office, NCRPO, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.