Isang kaso ng Ebola, nakumpirma sa Sierra Leone

By Kathleen Betina Aenlle January 16, 2016 - 01:43 AM

Ebola Inq fileNag-positibo sa Ebola ang isang bangkay sa Sierra Leone, isang araw matapos ideklara ng World Health Organization na wala nang outbreak ng virus sa West Africa.

Ayon kay Office of National Security spokesman Francis Langoba Kelly, isinagawa ang tests at nag-positibo sa virus ang isang 22-anyos na babae na nasawi nitong buwan lamang sa hilagang bahagi ng Sierra Leone.

Mula sa Northern Kambia District ang babae at tumungo sa Northern Tonkolili District para magpagamot.

Dahil dito, tine-trace na ng mga otoridad ang kaniyang mga nakasalamuha at nagpadala na ng mga teams sa mga lugar na kinaroonan para magsagawa ng imbestigasyon.

Dagadag pa ni Kelly, isaisailalim sa quarantine ang mga lugar at mga taong mapapatunayang nakasalamuha ng nasawing pasyente.

Idineklara ng WHO nitong Huwebes na tapos na ang outbreak ng Ebola dahil may isang buwan nang walang naitatalang kaso ng virus sa Liberia, Guinea at Sierra Leone na mga labis na naapektuhan ng sakit.

Tiniyak naman ni Kelly na handa sila na rumesponde dito at na walang dapat ipag-alala ang publiko.

Hinimok na lamang niya ang mga residente na ipagpatuloy lang ang hygiene regulations na kanilang inilabas para makaiwas sa virus.

TAGS: ebola virus in sierra leone, ebola virus in sierra leone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.