Ulat ng pagdukot sa mga Filipino seafarers sa West Africa at sa Togo inaalam na ng DFA

Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napaulat na dalawang Pinoy ang kabilang sa biktima ng abduction sa karagatang sakop ng Togo.

Ayon kay DFA Assistant Sec. Eduardo Meñez kabilang din sa inaalam ng DFA ang ulat na 9 na mga Pinoy seafarers ang dinukot ng mga pirata sa isang Norwegian Cargo ship sa Benin, West Africa.

Walang embahada ang Pilipinas sa Benin at Togo.

Gayunman, kumikilos na aniya sila sa pamamagitan ng embahada sa Abuja, Nigeria.

 

Read more...