LOOK: Disenyo ng Kyrie 6 tampok ang 11 lungsod sa mundo kabilang ang Manila inilabas na

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 12:20 PM SHARE(S):

Inilabas na ang disenyo ng Kyrie 6 ng Nike tampok ang 11 lungsod sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kabilang dito ang isang disensyo tampok ang kulay ng Philippine Flag.

Sa pahayag ng Nike, binigyang halaga ang Pilipinas dahil sa hindi matatawarang passion ng mga Filipino sa larong basketball.

Sa isa sa mga disenyo ng Kyrie 6 makikita ang Philippine flag-inspired image sa kaliwang strap ng sapatos, at may letrang “PH” naman sa kanang strap.

Simula sa November 11 ay mabibili na sa Pilipinas ang Kyrie 6 Preheat Collection.

Maliban sa Manila, tampok din sa iba pang disenyo ang Beijing, Berlin, Guangzhou, Houston, Los Angeles, Miami, New York City, Shanghai, Taipei at Tokyo.

TAGS: Beijing, berlin, Guangzhou, houston, Kyrie 6, Kyrie 6 Preheat Collection, Los Angeles, Miami, New York City, Philippine flag-inspired image, shanghai, Taipei, Tokyo, Beijing, berlin, Guangzhou, houston, Kyrie 6, Kyrie 6 Preheat Collection, Los Angeles, Miami, New York City, Philippine flag-inspired image, shanghai, Taipei, Tokyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.