Mga manggagawa dapat mabigyan ng dagdag na 5-day calamity leave
Naghain ng panukala si Senator Leila de Lima para sa pagkakaroon ng limang araw na calamity leave ng mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor.
Sa kanyang Senate Bill No. 1123, ang mga maaring mag file ng calamity leave ay ang mga manggagawa na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity bunga ng kalamidad.
Katuwiran nj de Lima sa kanyang Calamity Leave Law, makatuwiran lang na magkaroon ng sapat na panahon ang mga manggagawa na iagapay at protektahan ang pamilya at ari arian sa tuwing may kalamidad.
Banggit ng senadora ang Pilipinas dahil sa lokasyon ng bansa ay madalas tamaan ng kalamidad.
Dagdag din ni de Lima ang kanyang panukala ay magbibigay din ng oras para sa manggagawa para sila ay makabangon sa pagtama ng anumang uri ng kalamidad.
Aniya ang special emergency leave ay agad na iaalok sa pagdedeklara ng pangulo ng bansa ng state of calamity o kapag may resolusyon ang lokal na konseho o sanggunian ng naapektuhang lugar.
Ang mga dahilan o rason na maari lang magamit ng manggagawa o kawani ay kung mag aaalaga siya ng miyembro ng pamilya, kung siya ay nagkasakit o nasaktan dahil sa kalamidad at ang paglilinis o pagsasa ayos ng kanilang bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.