Pagbagal ng inflation ikinatuwa ng Malakanyang

Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagbagal ng inflation sa bansa sa buwan ng Oktubre.

Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 0.08 percent na lamang ang inflation ngayong Oktubre kumpara sa 6.7 percent na naitala sa parehong buwan noong 2018.

Ito na ang pinakamababang inflation na naitala simula noong May 2016.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pagbagal ng inflation ay bunga ng ‘political will’ ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.

Kinikilala rin ng palasyo ang pagsusumikap ng economic team ng pangulo para maisulong ang macroeconomic policies at iba pang na hakbangin na maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sampal din aniya ito sa mukha ng nga kritiko na wala nang ibang ginawa kundi ang batikusin at pabagsakin ang administrasyon

Kasabay nito sinabi ni Panelo na hindi pa rin magpapaka-kampante ang administrasyon dahil patuloy na tututukan ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na at malapit na ang Pasko.

Read more...