Biyahe ng LRT line 1 nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 11:29 AM

Nagka-aberya ang biyahe ng line 1 ng Light Rail Transit (LRT).

Sa abiso ng LRT-1 sa kanilang official Twitter account, alas 11:17 ng umaga ng Martes, Nov. 5 inihinto muna ang biyahe ng mga tren mula Baclaran to Roosevelt.

Ayon sa abiso, inaayos na ng kanilang technician ang nasirang tren sa bahagi ng Libertad – Southbound.

Alas 11:34 ng umaga sinabi ng LRT-1 na operational na ang kanilang southbound trains at balik normal na ang kanilang biyahe.

Pero pinayuhan pa din ang mga pasahero na maglaan ng karagdagang oras sa pagbiyahe dahil naipon ang mga pasahero sa mga istasyon bunsod ng ilang minutong tigil-operasyon.

TAGS: baclaran, Libertad - Southbound, lrt line 1, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, railways, Roosevet, Stop Operation, Tagalog breaking news, tagalog news website, baclaran, Libertad - Southbound, lrt line 1, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, railways, Roosevet, Stop Operation, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.