Bagyo sa bahagi ng Iba, Zambales nakapasok na sa bansa
(UPDATE) Pumasok na sa bansa ang binabantayang bagyo ng PAGASA sa bahagi ng Iba, Zambales.
Ayon sa PAGASA, alas 8:00 ng umaga ng Martes, Nov. 5 ganap na pumasok sa bansa ang bagyo at pinangalanan itong Quiel.
Huli itong namataan sa layong 540 kilometers west southwest ng Iba, Zambales.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong east northeast.
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras ay lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm.
Gayunman, maliit naman ang tsansa na ito ay tumama sa kalupaan.
Simula ngayong araw hanggang bukas ng umaga, ang Bagyong Quiel at ang frontal system ay magpapaulan sa Northern Luzon, Zambales, at Bataan.
Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan ang Mindoro provinces at Palawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.