Ayon kay SMC President Ramon Ang, sa sandaling pumayag ang gobyerno na ituloy nila ang proyekto, magtatayo ng 10-linya na elevated expressway sa EDSA, limang lanes sa northbound at limang lanes din sa southbound.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ang na titiyakin niya sa publiko na posible at kayang gawin ang elevated expressway sa EDSA.
Paliwanag na isang mga Indonesian steel fabrication company ang kausap niya para gumawa ng expressway sa EDSA na sila ring nasa likod ng 36-kilometers elevated expressway sa Jakarta.
Kakayanin aniyang matapos sa loob ng dalawang taon ang pagtatayo ng elevated expressway sa EDSA na gagastusan ng P3 bilyon.