WATCH: 10-lane elevated expressway solusyon sa traffic sa EDSA – Ramon Ang

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 10:58 AM

Naisumite na ng San Miguel Corporation ng negosyanteng si Ramon Ang ang panukala para sa pagtatayo ng elevated expressway sa EDSA.

Ayon kay SMC President Ramon Ang, sa sandaling pumayag ang gobyerno na ituloy nila ang proyekto, magtatayo ng 10-linya na elevated expressway sa EDSA, limang lanes sa northbound at limang lanes din sa southbound.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ang na titiyakin niya sa publiko na posible at kayang gawin ang elevated expressway sa EDSA.

Paliwanag na isang mga Indonesian steel fabrication company ang kausap niya para gumawa ng expressway sa EDSA na sila ring nasa likod ng 36-kilometers elevated expressway sa Jakarta.

Kakayanin aniyang matapos sa loob ng dalawang taon ang pagtatayo ng elevated expressway sa EDSA na gagastusan ng P3 bilyon.

TAGS: edsa elevated expressway, EDSA traffic, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Ramon Ang, Tagalog breaking news, tagalog news website, edsa elevated expressway, EDSA traffic, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Ramon Ang, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.