WATCH: Mas maginhawang pagbiyahe sa SLEX at Skyway mararanasan simula sa December 1 ayon kay SMC Pres. Ramong Ang
Tiniyak ni San Miguel Corporation (SMC) President Ramon Ang na mararanasan na ang mas maginhawang pagbiyahe sa South Luzon Expressway at Skyway simula sa December 1, 2019.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Ang na matatapos sa November 30 matatapos na ang lahat ng poste sa Skyway Extension Project at maaalis na ang mga heavy equipment doon.
Dahil dito, inaasahang sa December 1 ay wala nang obstructions sa lugar at maayos na itong madaraanan ng mga motorista.
Maliban dito, sinabi ni Ang na nagdaragdag na sila ng rampa sa Alabang flyover para ang mga motoristang nasa northbound lang ng SLEX ay maari nang makadiretso ng Skyway.
Paliwanag ni Ang, kung sa ngayon, mula 5 lanes ay nagkakaroon ng bottle neck sa bahagi ng Alabang na mayroon lamang 3-lanes, mula December 1 ay mabubuksan na ang dalawang ramp sa Alabang paakyat ng Skyway.
Ang mga sasakyan aniya sa northbound ay pwede nang dumeretso paakyat ng Skyway.
Kasabay nito, umapela si Ang sa publiko ng kaunti pang pagtitiis, dahil pangmatagalang ginhawa naman ang mararanasan sa sandaling matapos na ang Skyway Extension Project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.