Kasabay nito ang pagtitiyak ng kagawaran na mabibigyan ng angkop na atensyon medikal ang mga naapektuhan ng sunod sunod na paglindol sa rehiyon.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo matapos ang kalamidad dapat ay maiwasan ang pagkakasakit ng mga nasa evacuation centers.
Diin nito, dagdag hirap pa sa mga bakwit kung sila ay magkakasakit habang sila ay nanatili sa evacuation centers.
Kaya’t ayon sa opisyal napakahalaga na magkaroon pa rin ng proper hygiene sa mga evacuation centers, kasama na ang simpleng paghuhugas ng mga kamay at pananatiling malinis ang katawan.
Napakahalaga din aniya na may sapat na malinis na tubig para sa inumin at pagluluto.
Pagtitiyak pa ni Domingo na regular na bibisita ang kanilang field medical teams sa mga evacuation centers para suriin ang mga evacuees at gamutin ang mga may sakit.