Pagkalat ng mga sakit sa mga evacuees sa Mindanao tututukan ng DOH

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 10:15 AM

Ang pagpigil ng iba’t ibang sakit sa mga evacuation centers sa Mindanao ang isa mga prayoridad ngayon ng DOH.

Kasabay nito ang pagtitiyak ng kagawaran na mabibigyan ng angkop na atensyon medikal ang mga naapektuhan ng sunod sunod na paglindol sa rehiyon.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo matapos ang kalamidad dapat ay maiwasan ang pagkakasakit ng mga nasa evacuation centers.

Diin nito, dagdag hirap pa sa mga bakwit kung sila ay magkakasakit habang sila ay nanatili sa evacuation centers.

Kaya’t ayon sa opisyal napakahalaga na magkaroon pa rin ng proper hygiene sa mga evacuation centers, kasama na ang simpleng paghuhugas ng mga kamay at pananatiling malinis ang katawan.

Napakahalaga din aniya na may sapat na malinis na tubig para sa inumin at pagluluto.

Pagtitiyak pa ni Domingo na regular na bibisita ang kanilang field medical teams sa mga evacuation centers para suriin ang mga evacuees at gamutin ang mga may sakit.

TAGS: department of health, evacuees, Health, Mindanao Quake, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, department of health, evacuees, Health, Mindanao Quake, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.