Bureau of Fire Protection nais ilagay sa ilalim ng bubuuing Department of Disaster Resilience

By Erwin Aguilon November 05, 2019 - 09:33 AM

Naniniwala si Albay Rep. Joey Salceda na panahon na upang mailipat na ang Bureau of Fire Protection sa bubuiing Department of Disaster Resilience o DDR.

Ito ayon kay Salceda, may-akda ng panukala ay bilang bahagi ng pagsisikap na mapalakas ang disaster management ng gobyerno.

Paliwanag nito, nangangailangan ngayon ng nakatutok na yunit o element sa national disaster management.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng DILG ang BFP na may mandatong tumugon sa emergencies tulad ng sunog at may papel din sa pag-iinspeksyon ng mga gusali kung nakasusunod sa national building code.

Pero ayon kay Salceda, kung maililipat ang BFP sa DDR ay mapapalakas nito ang kanilang kakayahan sa disaster response, rescue at relief at pupuwedeng sila na ang agarang idideploy kapag may kalamidad.

Tulad aniya sa ibang mga bansa, ang fire departments ay nasa ilalim ng disaster management offices at halimbawa rito ang US fire department na nasa hurisdiksyon ng federal emergency management agency o FEMA.

TAGS: Bureau of Fire Protection, DDR, Department of Disaster Resilience, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bureau of Fire Protection, DDR, Department of Disaster Resilience, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.