LOOK: Landslide naganap sa isang residential area sa Pamplona, Cagayan dahil sa walang tigil na pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 08:58 AM

Nakapagtala ng landslide sa Sitio Pigo, Barangay Centro sa bayan ng Pamplona, Cagayan.

Simula kahapon ay nakararanas ng walang tigil na pag-ulan sa ilang bayan sa Cagayan dahil sa Amihan.

Sa Barangay Capalalian sa Pamplona, marami bahay ang pinasok ng tubig-baha kahapon.

Binaha rin ang mga residente sa Barangay Casitan matapos umapaw ang isang creek na malapit sa mga bahay.

Ngayong araw inaasahang magpapatuloy pa ang pag-ulan sa ilang bayan sa Cagayan bunsod pa rin ng Amihan at ng LPA na naging ganap nang bagyo at nakatakdang pumasok sa bansa.

Ipinag-utos naman na ni Pamplona Mayor Digna Puzon-Antonio ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa naturang bayan ngayong araw ng Martes, Nov. 5 dahil sa sama ng panahon.

TAGS: landslide, pamplona cagayan, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, landslide, pamplona cagayan, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.