PUP graduate nanguna sa 2019 Psychometrician Licensure Exam
Nanguna ang graduate mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main-Sta. Mesa sa mga nakapasa sa October 2019 Psychometrician Licensure Examination.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), mahigit 6,800 ang pumasa sa nasabing pagsusulit.
Top 1 sa nasabing pagsusulit si Bernadette Alice Cruz Rigor ng PUP, habang magkakasama sa ikalawang pwesto sina Russel Prontes Candongo (La Salle University dating Immaculate Concepcion-La Salle), Ann Ross Lactao Fernandez (Ateneo de Manila University – Quezon City), Geo Lovan Estepa Flores (Saint Louis College of San Fernando), at Belle Frances Solon Timosa (University of San Carlos).
Magkakasama naman sa ikatlong pwesto sina Jasmine Frances Concepcion Burgos (DLSU-Manila), Darlene Angela Castillo Ilagan (University of Sto. Tomas), Chaudry Psalm Montano Javier (Far Eastern University-Manila), at Christian Jemverick Sundiam Manio (Angeles University Foundation).
Ang Ateneo de Manila Univdersity – Quezon City ang nangunang eskwelahan matapos makakuha ng 100 percent passing rate, na sinundan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, University of Sto. Tomas, at De La Salle University-Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.