Sa pahayag ng palasyo, naisulong kasi ng pangulo sa ASEAN leaders ang maayos at mapayapang pagresolba sa gusot sa South China Sea.
Bilang country coordinator, pipilitin aniya ng Pilipinas na matapos ang code of conduct sa South China Sea sa lalong madaling panahon.
Naidiga rin ng pangulo sa ASEAN Summit ang problema sa terorismo, trade relations tensions, trans national crimes, illegal drugs, toxic waste at climate change.
Nakiusap din ang pangulo sa Amerika at China na iwasan na ang bangayan sa usapin sa kalakalan sa halip ay isulong ang pagkakaisa.
Ayon sa pangulo, bukas ang Pilipinas sa isang inclusive at rules-based para sa ASEAN Regional Security Architecture.
Kasabay nito, nagpaabot din ng pagbati ang pangulo kay Thailand Prime Minister Chan-O-Cha dahil sa matagumpay na ASEAN Summit.