Road reblocking sa Marcos Highway nagsimula na

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 07:43 AM

Sinimulan na ang road reblocking sa bahagi ng Marcos Highway sa Baguio City.

Ayon kay Baguio City District Engineering Office Construction Section Chief, Alfredo Banagao, Jr. tatagal hanggang sa December 21 ang road reblocking.

Dalawang section ang sumasailalim sa reblocking, ang Tuba Side at Kitma Side ng Marcos Highway.

Sa kabila ng reblocking ay mananatili namang bukas sa mga motorista ang kalsada.

Pero ang mga truck at trailers na 10-wheeler pataaas ay hindi papayagang dumaan sa Marcos Highway mula alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at mula alas 4:00 ng hapon hanggang alas 9:00 ng gabi.

 

TAGS: baguio city, DPWH, Marcos Highway, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, road deblocking, Tagalog breaking news, tagalog news website, baguio city, DPWH, Marcos Highway, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, road deblocking, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.