Sa unang pagkakataon Selena Gomez nag-top sa Billboard Hot 100

Sa unang pagkakataon nanguna sa Billboard Hot 100 si Selena Gomez.

Isang linggo matapos i-release ang kaniyang single na “Lose You to Love Me” ay nag-number 1 sa Billboard Hot 100 ang kanta ni Gomez.

Sa kaniyang post sa Instagram, hindi maitago ni Gomez ang kaniyang excitement.

Ani Gomez, malapit sa kaniyang puso ang kantang “Lose You To Love Me”.

Ibinahagi din ni Gomez ang isang post na nagsasabing nag-number 1 din ang kaniyang kanta sa Rolling Stone 100.

Dahil dito, nakapagtala ng history si Gomez matapos magnguna ang kaniyang kanta sa Billboard Hot 100 at Rolling Stone 100 ng sabay.

Read more...