Tonga niyanig ng magnitude 6.9 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 07:12 AM
Tumama ang malakas na magnitude 6.9 na lindol sa Tonga.
Ayon sa US Geological Survey naitala ang pagyanig sa 305 kilometers ng Nuku’alofa, Tonga alas 6:43 ng umaga ng Martes (Nov. 5) oras sa Pilipinas.
Sa karagatan tumama ang pagyanig.
Ang Tonga ay binubuo ng mahigit 100 isla, at mayroong mahigit 100,000 populasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.