Shabu itinago sa ‘hotsilog’ at tinangkang ipuslit sa kulungan sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo November 05, 2019 - 06:10 AM

Arestado ang isang babae sa tangkang pagpupuslit ng shabu sa loob ng kulungan sa Fairview Police Station sa Quezon City.

Dadalaw lamang ang suspek na si Camie Olaguer sa isang lalaking isang linggo nang nakakulong sa sa istasyon ng pulis.

Pero nang busisiin ang kaniyang mga dalang gamit, nakita ang limang sachet ng shabu na nakahalo sa bitbit nitong ‘hotsilog’ na para sa preso.

Ayon sa naka-duty na jail officer sa police station, baligtad ang pagkakabukas niya sa styrofoam na pinaglalagyan ng hotsilog kaya agad niyang nakita ang limang sachet ng shabu na nakapailalim sa pagkain.

Depensa naman ni Olaguer, pinakiusapan lang siyang dalhin ang pagkain at hindi niya alam na may shabu pala sa loob nito.

Dahil dito, kulong na rin ngayon sa nasabing himpilan ng pulis ang babae.

TAGS: Fairview Police Station, hotsilog, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Fairview Police Station, hotsilog, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, shabu, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.