Cebu magbibigay ng P20M para sa quake-hit areas sa Mindanao

By Rhommel Balasbas November 05, 2019 - 05:44 AM

Magbibigay ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu ng P20 milyong financial assistance sa mga lugar na napinsala ng lindol sa Cotabato at Davao del Sur.

Isang resolusyon ang inaprubahan ng Cebu Provincial Board araw ng Lunes na nagbibigay awtorisasyon kay Gov. Gwendolyn Garcia na magbigay ng tulong-pinansyal sa mga biktima ng lindol sa mga bayan ng Makilala, Tulunan, Magsaysay, Magpet at Kidapawan City sa North Cotabato; at sa Bansalan at Digos City sa Davao del Sur.

Si Garcia mismo ang humiling sa pagpasa sa resolusyon.

Kukunin ang P20 milyon mula sa preparedness fund ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ayon kay Garcia, ang halaga ng financial assistance na ibibigay sa mga pamahalaang lokal sa Mindanao ay depende sa bilang ng apektadong pamilya o indibidwal sa kanilang lugar.

Pinakamalaki ang ibibigay sa Makilala na aabot sa P7 milyon dahil dito pinakamarami ang naapektuhang pamilya.

TAGS: cebu provincial government, Mindanao Quake, P20 million, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, cebu provincial government, Mindanao Quake, P20 million, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.