Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) officer-in-charge Director Ronnie Domingo, ito ay dahil mababa ang survival rate ng ASF virus sa mainit na panahon.
Ang pahayag ay ginawa ni Domingo matapos ang projection ng World Organization for Animal Health na mamamatay ang quarter ng populasyon ng baboy sa buong mundo dahil sa ASF.
Iginiit ni Domingo na posible lang ang naturang projection sa malawak na lupain at maaaring iba ang maging sitwasyon sa Pilipinas.
Ayon sa BAI official, nakahiwalay ang Pilipinas sa mainland Asia at isa pa itong archipelago o kapuluan.
Dahil dito, hindi nagiging mabilis ang pagkalat ng sakit sa Pilipinas at .
“Ang Pilipinas po, nakahiwalay tayo sa mainland of Asia tapos archipelago pa po tayo. So meron tayong mga tinatawag na natural barriers. Hindi po ganoon kabilis na kumalat po yung sakit sa Pilipinas,” ani Domingo.
“At itong virus na ito, medyo umiigsi ang kanyang survival kapag dumarating na ang summer season,” dagdag ng opisyal.
Ilang araw lang anya ang itinatagal ng ASF virus sa mainit na kapaligiran.
Samantala, sa 12.7 milyong baboy sa bansa, sinabi ni Domingo na 0.5 percent lamang ang pinatay dahil sa ASF.