Higit 30,000 nananatili sa evacuation centers kasunod ng lindol sa Mindanao

By Len Montaño November 05, 2019 - 04:48 AM

Nasa evacuation centers pa rin ang mahigit 30,000 katao halos isang linggo matapos ang dalawang magkasunod at malakas na lindol

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang araw ng Lues ay 4,800 pamilya o 24,000 na katao ang nasa 34 evacuation centers sa Davao of Soccsksargen.

Nasa 22 ang death toll sa magnitude 6.6 at magnitude 6.5 sa Tulunan, Cotabato at ilang bahagi ng Mindanao.

Nasugatan naman ang 424 katao habang 188,533 na iba ang naapektuhan mula sa 238 na barangays

Samantala, 1,493 pamilya o 7645 na katao ang nakatira sa labas ng evacuation centers at kanilang mga kaanak.

 

 

 

TAGS: 22 patay, 424 sugatan, evacuation centers, lindol, Mindanao, NDRRMC, 22 patay, 424 sugatan, evacuation centers, lindol, Mindanao, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.