Canteen sa Pio del Pilar Elem School ipinasara dahil sa food poisoning

By Chona Yu January 15, 2016 - 07:17 PM

osmak Pio Del PIlarIpinasara na muna ni Makati City Mayor Kid Peña ang canteen ng Pio del Pilar Elementary School matapos ma-food poison kahapon ang mahigit isandaang estudyante.

Ayon kay Peña nakikipag-ugnayan na ang Makati Health Department sa Food and Drugs Administration (FDA) para suriin ang mga pagkaing ibinibenta sa canteen.

Kabilang sa mga kinunan ng sample ang ilang biscuit, tikoy, flavored drinks, pianono, polvoron at brownies na kabilang sa kinain ng mga bata.

Sinusuri na rin ngayon ng Makati Health Department ang tubig sa canteen matapos mabatid na noon pang Disyembre ang huling water safety inspection.

Payo naman ng health department ng lungsod sa mga magulang, mabuting pagbaunin na lamang ang mga bata para makatiyak silang malinis at ligtas ang kinakain ng mga ito.

Una nang sinabi ng mga magulang ng mga naapektuhang bata na nakakain ng pekeng Super Thin na biscuits ang anak nila kaya nagsakitan ang tyan.

TAGS: food poisoning, pio del pilar makati, food poisoning, pio del pilar makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.